you're the one for me >>
Hi. You've stopped at this year's up to date shiets of my life. For the dipwads, navigate with the arrow near the title above. The icon is split in half, alright? Whut a smart kiddo you are.



Chocolates and sweetness can make me smile and my idiocies help me escape boredom. Hell-come to Anne's euphoria. This blog is full of random posts, weirdness and insanity if you ask me.

There are people defying gravity.

Him / Responsibilities / Overreacting / Unfaithful / Bookathon / Sick / Fieldtrip / Frustrations / Random /

AME: Monogatari / Saturday, November 12, 2011 @ 8:01 AM
Masayang-masaya ako kaya magtatagalog ako. Masyado na akong naiiyak na natatawa para pa mag-English, nakakatamad mag-isip. First Filipino blog, yay!

Kanina, hindi ko alam kung anong i-eexpect ko. Kung ano bang gagawin dun, kung ano bang susuoting ko, kung papano ako magsusurvive kasi wala akong camera, kung papano kami pupunta dun, kung sino-sino makikita ko at sobrang madami pang iba. Syempre, isa-isa yang nasagot habang tumatagal yung araw. Hindi man maganda yung kasagutan sa iba, eh okay pa rin.

Kanina, nagising ako ng 10:57. Nah, mas maaga pa dyan ng konti pero tinamad ako tumayo. Nag burger ako then naligo. Ang tagal nun. Nagbihis ako. Hindi ko talaga alam kung anong isusuot ko, sa totoo lang. Pero nagshorts ako (kasi wala akong pantalon kanina), yung favorite kong blouse na puti, tsaka nagVans. Halos 1 oras ako nagbibihis, sa totoo lang. Umalis ako sa bahay 12:40 na ata or 12:50, basta dating ko sa 7-eleven which is yung meeting place namin mga 1 na. Nandun na sina Justine, Tara at Joanne. Naghihintay sila ni Kuya JC sa labas pagdating ko. Sina Hannah at Fel nalang. 20-30 minutes namin sila hinintay pero sa totoo lang almost 1 hour na sila Joanne dun at 40-50 minutes sina Justine at Tara. Great. Nakakahiya kasi ihahatid pala kami. Whoah, at hindi ako nasabihan tungkol dun. Pero ayos lang. Siningil kami ng 40 sayang kasi gas. 1 hour naka-on makina ng sasakyan at nag-iintay.

Pagdating namin sa WTC, na-shock sila, ako hindi. Ang dami kasing cosplayer sa labas palang. Akala mo naman kasi hindi nakapunta sa AME last year or sa iba pang cosplay event. Ganun din naman dun. Tapos dun palang, nakita ko na sina Ryl, si Kuya Recca at si Yuuki. Nung una hindi ko lang sila pinansin, di ako nagpakita kasi iniisip ko kung makikita nila ako. Ang galing, si Kuya Recca nakakita sakin. Na-tats ako. Plus, kilala pa ako ni Yuuki! Oha oha! Nung una na-shy pa ako sa kanilang dalawa, si Ryl lang niloko-loko ko. Eh naalala ko bigla "Uyy! May utang ka pang libre sakin!" Sabay turo ko kay Kuya Recca, natawa lang siya eh sabay sabi "Ay oo nga pala." Tawa nalang kami. Nagbye sila kasi may hahanapin pa sila. Edi pumasok na kami dun.

Nakaka-shock. Pagpasok namin, nakita ko sila ulit nandun. Hahaha! This time, kasama si Ate Celine! Aba'y chix AT naka-cosplay! Nagpapicture kami. :"> Tapos sa likuran namin may dalawang GWAPO. Yes, gwapo talaga. ♥ Naka-cosplay ng Sasuke at Gray Fullbuster. Aba'y mga bare-chested ang cosplay. 8D Dun nagsimula yung stalking ko nung araw na iyon. >:D Pero sa may entrance hall palang 'to wala pa dun sa mismo. Pagpasok na talaga dun sa mismo, eh hindi ako makahinga. Ang dami kasing tao, siksikan. Yeahbah! Pero keri, hala sige! Lakad!

Kinuha ko yung camera ni Hannah. Nakakahiya man, ako na yung gumamit. So sige larga. Nung una, nahihiya pa ako magpicture at magpa-picture. Sa totoo lang, shy-type talaga ako sa mga hindi ko kilala tsaka nag-eenjoy ako sa scenery. Charot! Pero ito kasing si Joanne ang sabi ba naman "Eh kung nagpipicture nalang kayo imbis na puro stop-over? Edi ang dami niyong ma-pipicture-an?" Hindi ko alam kung maiinis ako sa kanya o matatawa eh. Pero sa huli, both. Meh. So edi nag-ikot ikot kami. Ang daming beses niya kaming iniwan, at ang daming beses namin siya iniwan. XD Pero yung super first picture eh POGI. XD "Kuya, excuse me, pwede pong magpicture?" So nakatingin siya sakin (malamang) tapos nagpose, then smile. *click* Aba'y ang pogi niya talaga. Isama mo pa yung Kuya niya. :> Tapos tinulak ko si Fel magpapicture nun. At dun ko binuhay ang inner monster (de joke lang yun) ni Fel.

Sa almost 3-4 hours naming pag-iikot ang dami kong nakitang OSOM na cosplayers at ang dami kong nakitang friends. Meh. Cosplayers na super gaganda't sexy at pogi't hawwwt. ♥ Lawl. Tapos ang astig ng soundtrip, malamang mga OST ng anime pero ang astig lang nung karaoke eh! Next AME sasali na talaga ako! \m/ Nakita ko sina Ryl, Kuya Recca, Ate Celine, Brother, Ate Shin, Ate Aikey at Kuya Ryan. Sila lang ata, di ko na matandaan. STML! Tapos ang dami talagang sexxxy eh. Si Kuya Sasuke (yung mentioned earlier), si Kuya BRS tsaka si Ate Labas-Yung-Powder Pink-Na-Bra. Hahaha! Shet lang!

Sa lahat ng cosplayers, si Kuya Death the Kid yung memorable. :"> Liban sa cute at pogi siya, eh lagi namin siyang na-eencounter. Nung una nasa labas kami nun. Nagpapahangin tsaka pahinga. Dumaan lang siya samin tapos napagtripan picture-an kasi nga si Kid. 1-2-3-4-5-6 naka-anim atang picture nun. Lawl. Second, eh sa loob. Yun yung first na nginitian namin 'ko' siya. >:) Hanggang sa sunod-sunod na tapos isang time, nagpa-picture si Fel kasama siya. Tapos yung last eh nung si Tara at Justine na. Nung una hindi nila (Hannah, Fel at Joanne) na-realize na siya rin yun. Eh ako tumawa. Nasa-isip ko "Hindi pa kaya nagsasawa si Kuya sa muka namin?" Natawa rin siya nung nakita nga kami! Meh, recognized niya face. >:D Pero before that, every time talaga na nakakasalubong namin siya, nagsmile siya. :""> Sweet.

Sa araw na 'to sukdulan na kapal ng muka ko. Para sa pagpapa-picture (mostly) eh ako yung tumatawag. Sila kasama sa picture, ako photographer, ako tatawag. Pero ayos lang. :D Pero ang grabe e may nakita akong nag-yuyuri sa gilid! HAHAHAHA! Eh nakita ko may nagpipicture, kasama nila. Dapat at a safe-distance lang ako, kasi ganun ako pag stolen. Napansin nila! Tawa ako ng tawa nun eh! Sabi nung mga kasama nila isa pa daw! :))) Nahiya sila pero go. So nagpose eh may isang kasama nila inangat kamay nung isang girl, tinapat sa boobs ni Ate. Nahiya ng bongga yung dalawa, tawa ng tawa! XD Hanggang sa nagpose nalang talaga sila, tumawa ako nagthank you at umalis ng nag-evil laugh at ngiting tagumpay! >:) Sayang nga eh, walang nagyayaoi.

Sa AME ngayong taon, masaya compared last year. Kasi last year, first cosplay event ko at nangangapa pa ako plus may undying hiya na tumaklob sakin nun dahil nga first GEB din yun. Pero ngayon super free ako. Ang dami kong nabili, swear ang gastos ko ngayong araw. Naka 700-800 ako syempre kasama na expenses after AME. Eto yung natatandaan kong gastos ko:
  • Green Hair Clip - Php 25.00
  • 2 Emoticon Clip - Php 50.00
  • Fortune - Php 10.00
  • Mocha Frappe - Php 50.00
  • Meme Merch - Php 44.00
  • Earings - Php 70.00
  • Sa McDo - Php 39.00
  • Sa NBS - Php 149.00
  • DQ- Php 49.00
  • Pamasahe pauwi - Php 50.00
  • Tubig - Php 18.00
  • Tryke - Php 17.00
  • Bayad kay Ma'am - Php 40.00
  • Pamasahe papunta - Php 17.00
  • Pamasahe papunta MOA - Php 8.00
Ass I've said, natandaan ko lang. Ewan ko na kung ano-ano pa yung pinaggastusan ko. Ampf. Basta na-ubos ko yung inipon kong 200 na may UST na symbol. Though nagsisisi akong hindi ako bumili kasi ang cute niya SOBRA!) tapos ng headband or chikara. Hay!

Basta pagod na ako. Nakakatanga magkwento! Ang haba na rin. Eh masaya kahit masakit paa.
Layout by Gabby. Images from here and here. Inspired by tumblr.