you're the one for me >>
Hi. You've stopped at this year's up to date shiets of my life. For the dipwads, navigate with the arrow near the title above. The icon is split in half, alright? Whut a smart kiddo you are.



Chocolates and sweetness can make me smile and my idiocies help me escape boredom. Hell-come to Anne's euphoria. This blog is full of random posts, weirdness and insanity if you ask me.

There are people defying gravity.

friendship / Forgive / Awkward / Walang'ya / Oh good old times / I am going to fail my quiz in Math tomorrow / Ayaw ko na / I secretly love / AME: Monogatari / Him /

disiplina / Thursday, June 28, 2012 @ 4:01 AM

*Filipino post*

Ito yung dahilan kaya ayokong naiipon yung galit ko. Yung kapag galit ako, gusto kong may pinagkkwentuhan, or kahit ma-share ko lang ng pahapya yung problema at galit na nararamdaman ko. Kasi ako yung tipo ng tao na kayang magtimpi pero once na napuno na, kawawa yung taong masasaktuhan ko, lalo na kapag maamgas-angas ka lang din.

Feeling ko kanina, nauulit na naman yung childhood horrors ko. Feeling ko kanina lalamunin na naman ako ng lupa kasi sa sobrang panginginig ko. Alam mo bang napakatraumatic ng isang part ng kabataan ko? Yung part na dito lang sa bahay nangyayari. At kanina, mukhang naulit lang ulit. Hawak-hawak ko yung libro ko kanina at hinampas ko ‘yun sa mukha ng kapatid ko mahigit limang beses. Hindi ko alam, pero hindi ko napigilan yung sarili ko, liban sa sobrang galit na galit na ako sa kanya, inaangasan niya pa ako. Gago siya. Pero bago yun, sinisigaw-sigawan ko na siya, nakapagbitiw na ako ng mga salitang totoo, pero siguro, napakaoffensive. Tho wala akong paki kung offensive yun.

Habang ginagawa ko yun, nanginginig ako. Hindi siya yung panginginig sa sobrang galit, nanginginig ako kasi takot na takot ako. Kasi once na nangyari yung mga ganitong bagay, nung bata kami, ako yung laging nagugulpi, ako yung laging talo, ako yung laging may pinakamalaking damage na natanggap, at ako pa yung mapapagalitan ng parents ko kahit wala akong kasalanan talaga. Ayoko na mangyari ulit yung ganun, pero wala eh, nangyari na, liban dun sa masasaktan ako. Hindi gumanti yung kapatid ko eh, inangasan niya lang ako. Syempre nung bumalik na ko sa katinuan, wala, tinigil ko na, lumabas na ako ng kwarto. Alam niyo bang yung libro ko pa rin yung inaalala ko habang lumabas ako? Btw, yung reason pala kung bakit ako tumigil kasi baka lalong masira yung libro ko. Parang mga anak ko na kasi yung mga libro ko eh. Ganun sila kahalaga sa’kin. Kaya nung nawala yung libro ko kanina, parang feeling ko kinidnapan ako ng anak. Pasensya na kung mababaw, pero ganun lang talaga ako. Yung mga libro ko nalang naman yung nagbibigay sa’kin ng kaligayahan dito sa bahay eh. Yung suporta na kailangan ko, yung saya na hanap ko, sila na yung nagbibigay sa’kin. Ang stupid lang, pero kung kayo yung nas sitwasyon ko, ganun yung mararamdan niyo.

Napakafail ko. Kagabi, yan yung topic ng EVO day namin. DISIPLINA. Ang isang tao, dapat may disiplina sa kahit anong gagawin. Sabi nga ni ups Christian kagabi, “Okay na yung makakita ka ng away, kesa ikaw yung nakikipag-away.” Nakakahiya. Nakakahiya. Sobrang disappointed ako sa sarili ko kasi gusto kong magbago, pero asan ako? Wala, ‘di man lang umusog kahit konti sa kinalalagyan ko. Siguro pala umusog, pero paurong. Pabalik ako sa kabataan ko. Yung kabataan ko na sobrang kinasuklaman ko, yung kabataan kong sobra kong kinakatakutan.

Layout by Gabby. Images from here and here. Inspired by tumblr.